Wika sa Lupang Tinubuan
Sinulat ni Erica P. Retuya
Nasilayan ang unang sikat ng araw
Sa piling ng langit na bughaw
Narinig ang wika, sa aki’y pumukaw
Sa damdaming sabik, pag-ibig na uhaw
Wikang Filipino sa aki’y naghatid pang-unawa
Karunungang dulot, sa kamangmangan ay lumaya
Saan man magpunta,sa usapin nakahanda
Magbibigay ngiti, sa katwiran ay sagana
Ngunit bakit tila pagpapaunlad sa wika,
Nawalan ng saysay, sa dayuhan humanga
Wikang hiram niyakap, mas binigyang halaga
Nasaan ang dangal ng bayang inalipusta?
Wikang magbubuklod sana sa bawat mithiin,
Ng mga Pilipinong tigib ng alalahanin
Kailan pa kikilalanin, kailan pa titingalain?
Kung hindi tayo kikilos ay walang mararating